Wednesday, February 1, 2012

Usapang Jeep: Dispatcher. Need or No Need?

by the Host of Barber's Cut, Jun

Yep,  ang dispatcher.

Sino nga naman ang di makakakilala sa kanila. Ang masugid na nagtatawag ng pasahero hindi lang sa jeep kundi sa kahit anong sasakyang pampasahero. Ngunit tanong ko sa aking sarili, "kaylangan pa nga ba ng dispatcher? "

Well, siguro kung tagakolekta ng bayad sa terminal mismo at pawang yun lang. Pero yung nasa jeep loading hotspots na bago pa tumigil yung jeep eh sasabitan na para magmukang cool habang sinisigaw ang signboard destination?

Hindi siguro.

Tapos pag may napasakay syang pasahero eh hihingi ng bayad sa driver? Parang tanga lang. Hindi ba kaya na ng driver yon? Parang redundant. Ginagawang may sense kahit wala para lang kumita ng pera.  Hindi naman sa pangmamaliit pero pre naman, wala naba talagang naiembentong mas kikita pa diyan?

Naghahanap buhay yung mamang driver tapos kokotongan mo na kasi may sumakay na isa o dalwang tao?  Na sasakay at sasakay din naman kahit mahimbing kang natutulog sa bahay nyo? Nonsense. Minsan nagtanong ako sa isang driver kung magkano ang bayad sa dispatcher. Kadalasan daw limang piso kahit dadalwa yung sumakay.  Pag napuno hihirit ng sampu o dose. Eh pag daw dimo naman nabigyan baka magsimula ng gulo, abala pa sa pasahero. Biruin mo yon?

Sa dalwang taong sasakay isipin mo pa na mawalan ka ng 5 pesos sa kikitain mo na sana. Malaking bagay na yon sa driver lalo na kung nagbbgay pa sya ng boundary. Para lang sa isang trabaho na kahit wala naman eh kikita pa lalo yung driver. Well hindi ko pa nga nabanggit na isang beses nahuli pa yung driver dahil sa dispatcher na pinilit magsakay ng pasahero sa non loading area.

Minsan kasi haharangin tlga pra lang makapagtawag ng pasahero at makalimampiso. Minsan agawan pa ang ilang dispatcher,  paunahan sa jeep na makokotongan. Hay naku iba iba pa nga style ng mga yan may isang beses pa nga nagmamadali ako tapos akala ko mapupuno na yung jeep kaya nghintay ako saglit, yun pala sumakay ang mga loko temporarily para magmukang puno yung jeep. Tapos nagbababaan kapag may sasakay na ulit.

Nakakabwisit.

At syempre yung iba asal kalye pa pag may sumakay na chicks hihirit pa ng bastos na punchline. Pre naman,  wala na ngang naitutulong yang ginagawa mo nambabastos ka pa? Nakakairita din yung pinapalo yung sides ng jeep na parang walang nakaupo, pinipilit kang umisod kahit wala ka ng maupuan. At may comments ka pang nakukuha sa kanila pag di tuwid masyado yung upo mo ha o may katabaan ka.

Again ok lang kung siguro kung parte ka ng buhay driver. Pero hindi eh. Siguro kung gagawan ng survey yan 1 out of 10 lang ang magsasabing gusto nila ng dispatcher na hindi naman nila kaanu ano. Kasi para sakin may dispatcher man o wala may sasakay na pasahero at may kita ang buhay jeep. Isa itong parte ng trabaho ng driver na no need ng ihiwalay pa para pagkakitaan.

Ikaw?

Tingin mo ba kaylangan pa ng dispatcher? Ayaw kong mandiscriminate ng kapwa pinoy pero isa ito sa mga napansin kong mali sa buhay natin. Sa hirap nga naman ng buhay pinoy kesa gumawa ng krimen eh pwede narin to. Pero hindi pa rin sapat na dahilan para iasa sa isang taong nghihirap para kumayod ang pagkakaroon ng barya para ipang Kara cruz at ipantambay.

Magbanat ng buto,  hindi ng pasahero.

No comments:

Post a Comment