Tuesday, February 14, 2012

Pamahiing Pinoy

by the Host of Barber's Cut, Juner

Isalaysay ko naman ang isa sa mga nakakatuwang aspeto ng buhay pinoy, ang pamahiin. Bagama’t nasa makabagong panahon na tayo kung saan naglipana na ang smartphones, magarang sasakyan at iba’t iba pang teknolohiya at kaalaman, hindi parin mawawala ang “oldschool sayings” ng ating mga nakakatanda, at panay ang pagsita nila sa atin sa tuwing nasuway tayo dito. Hindi nga man ito mabigyang kahulugan para maging totoo, wala nga naman daw mawawala sa iyo kung maniniwala ka. Yun nga lang, sa makabagong kabataan, nakakailang itong isabuhay. 

Heto ang ilan sa mga pamahiing plaka na sa ating buhay na kung iisipin mo, apektado ba nito ang buong mundo? O Pilipinas lang? Kung ako mismo ang tatanungin, hindi ako naniniwala pero, wala nga naman masama kung susunod ka or hindi.

Ang nahulog na kutsara at tinidor

 Ano pa nga ba ang masasabi natin sa gender-guessing power ng aksidenteng pagkakahulog ng inyong kutsara at tinidor sa bahay? Ang sabi nga naman nila, kapag aksidenteng nahulog ang kutsara sa loob ng bahay, ay siguradong may dadating na babae, kabaligtaran naman ng sa tinidor na kung saan lalake naman ang darating. Nakakatuwa din isipin na ilang beses din tsumamba to sa aking karanasan sa bahay ko at sa bahay ng ibang tao. Pero wala pa rin patunay na ito nga ay accurate. Minsan nagkatuwaan pa kami nung bread knife yung nalaglag. Napaisip kami kung bakla o tomboy ang dadating, pero wala. Minsan palpak din naman. Kutsara pero lalake yung dumating or wala naman dumating na kahit sino. Hindi daw ito gagana kung sadyang inihulog ang kubyertos. Tingnan mo nga naman ang nagpauso nito, aba at may rules pa! Lol.

Bawal suotin ang damit pangkasal ng babae bago ikasal

Pag daw sinuway ang pamahiing ito, hindi na matutuloy ang kasal. Grabe naman, nagsukat ka lang hindi na tuloy!? Pero wag ka, andaming Pinay na sumusunod dito. Talagang hindi nila sinusuot, ni hindi nila pinapakita sa groom yung damit pangkasal. Malas daw, di daw matutuloy yung kasal. Di pa nakuntento ang Pinoy nilagay pa ito sa ibang pelikula. Kawawang bride, nagsukat ng damit pangkasal is equals to dead. Wala pang kahit anong nagpatunay talaga dito, pero nakakapagtaka sineseryoso. Eh bakit naman sa ibang bansa lalo na sa Amerika kulang nalang i rampa sa runway yung damit pangkasal nya days before ng kanyang wedding date?Ibig sabihin ba sa ibang bansa may series of cancelled weddings gawa lang sa pagsusukat? Hindi siguro. Iba lang talaga ang Pinoy.

BALIS

O isalin ko sa Ingles “Greeting curse” Sikat na sikat to lalo na sa mga may mga bata sa bahay. Pag daw nagpunta ka sa ibang bahay or kahit sa sarili nyong bahay, at binati ,binola o pinuri mo ang isang bata, kaylangan daw “lawayan” ang tyan ng bata para hindi ito mabalis. Kung hindi mo ito gagawin, magkakasakit ang bata, magiging matamlay, hindi makakakain, basta masama ang kalagayan. Grabe, ayaw ko talagang maniwala dito pero napakaraming tao ang kilala ko na kakalimutan ang pagkakaibigan at relasyong pamilya para lang sa pamahiing ito. Kung magkasakit ang bata at hindi nalawayan grabe kaylangan mo pang balikan yung bata para malawayan yung tyan. Eh pano kung pagkabati mo sabay punta mo ng Europe? Wala na? Deads na yung bata? Ang nakakatuwa pa dito, hindi mo alam kung ano ang “trigger factor” nito para gumana ang sumpa sa bata. Kaya sa tuwing babati ka, dapat lawayan blues na. Napapaisip na tuloy ako kung may pupurihin pakong bata. Wala na. Hindi kaya dahil nilalawayan yung bata kaya nagkakasakit. Eh pano kung ang lalaway sayo may lagnat? Sore eyes? Bulutong? Tuberculosis? Abay sasamain nga talaga ang bata. At heto ulit, edi lahat ng tao sa Amerika balis since birth? Umuulan pa naman ng bolahan at compliments sa ibang bansa no!

Ang pagtalon tuwing bagong taon

Ang isa sa mga pinakakalokohang pamahiing meron ang Pinoy. Pag tumalon ka ng bagong taon, tatangkad ka pa. Anak ng tinapa naman oh, nung bata pako wala na akong ginawa kundi tumalon pag bagong taon, kahit hindi bagong taon talon ako ng talon.Kahit Chinese new year pa! Eh bakit 5’6 lang ako?

Minsan nakakatuwang isipin na ang mga pamahiin is a way of discipline and motivation lang para sa kapwa Pinoy. Eh langya namn oh wag naman ganto kasagwa diba. Kung lahi nyo maliit talaga wala na kayo magagwa kahit tumambling ka pa pag bagong taon.

Sa totoo lang napakarami pa, daan pa siguro. Pero Ive made my point. Para sa akin disiplina ang kaylangan, hindi pamahiin. Well, wala na tayong magagawa, tatak Pinoy na yan e!

No comments:

Post a Comment