“Ang trapik naman. Hindi naman nagtratrapik ng ganitong oras dito e. Kaya naman pala. May bobo sa kalye. ” Mga salitang nasabi ko ng ako ay may pupuntahan, lalo tuloy na Pilipino time ako hehehe, at na experience ang inexpected na trapik sa lugar na hindi naman nag tratrapik. Meron kasing Traffic “In”-Forcer.
Galing nilang mag ayos ng pag galaw ng trapik lalo na sa amin. Aba ang gagawin ba naman patitigiliin ang isang lane tapos edi lapad nga naman ng kabila edi 2 lanes nga naman ang bilis e hindi ba nila naisip na makipot din ang daan kung saan nila pinatigil yung una. Hirap tuloy mag bigayan ng mga sasakyan since isang lane pa rin naman ang papasukan. Ano kaya yun? Ang bobo naman.
Isa pang senario, ito talaga ang napakahusay sa lahat e. Yung mga trapik “In”-Forcer naka pwesto sa may mga stop light. “Duh” anu kaya yun, kaya nga na doon yung stop light para controlin yung trafik e. Edi nalilito yung mga nagmamaneho kung anung susundin kung yung tao o yung stop light. Ang masama talaga doon “Green” na sa lane mo, aba pinanahinto ka pa rin kasi may unti pang hindi nakakatawid e may nadating pang unti pang sasakyan, ayun na abutan na ng “Red”. Ang bobo talaga.
Iwan ko lang talaga sa tuwing nakikita ko talaga yung mga yan na naka-duty e hindi umaayos ang trapik lakas pang mangotong. Syepre kung hindi mo kakilala e peperahan ka lang. Natatawa nga ako doon sa kwento sa akin ng kaibigan ko. Pinahiya talaga nila yung trapik “In”-Forcer. Kala niya makakaisa siya sa kanya. Nagdridrive sila sa may part na papuntang MOA. Pina-pull over sila kasi wrong lane daw yung sasakyan nila. Edi titicketan daw siya o padulas na lang, ito malupet e, may tinawagan yung kaibigan ko sa cellphone niya tapos binigay sa “In”-Forcer. “Huli ka Balbon!” kala niya niloloko siya eh. Kilala ng kaibigan ko yung isang head sa pulis. Suspendido ka, Bobo mo boy! Hahaha...
So alam na kung bakit nag tratrapik meron kasi nag “IIN”-force ng trapik.
No comments:
Post a Comment