Narinig mo na ba yung salitang “ASA” habang nag lalaro kayo? Kahit anung laro. Palagi ko na lang naririnig o nababasa yan pag nagkaka-initan na sa laro. Minsan kasi, may mga manlalarong mayabang natatapat pa sa mga mahahangin din, ayun “trash talk”-an na ang kinalabasan.
Madalas kong mapansin yan, lalo na sa mga bata na hindi pa alam/ naiintindihan ang sinasabi nila.. Lalo na sa mga computer games tulad ng DotA at mga on-line games. At maslalo pa sa loob ng mga "PvP areas", kasi nga naman, doon palakasan talaga ng character na ginawa mo e.
Hindi ko lang talaga malaman kong ano ba talaga intensyon bakit ng tra-”trash talk” tayong mga pinoy. Gusto lang ba nilang mang-inis lang talaga para mawala yung focus ng kalaban sa laro, o nagyayabang ba dahil ang “galing-galing” nila sa laro- kahit na technically, mas madalas na sila yung mga walang ginagawa (at puro hangin). lol.
O baka naman dahil natalo nila ng ilang beses yung kalaban nila, o mas mataas ang nakuhang score/points sa laro, o sila lang talaga yung nag ”MVP” sa laro.
Isang beses, naglalaro kami ng kaibigan ko ng isang on-line game at my gagawin kaming quest, kaya naman talaga namin yun kahit dalawa kami, may sumama isang player na di namin kilala.
Well, pinasama na namin kasi baka mas bumilis yung quest kung may kasama kami. Sa kalagitnaan ng quest nag sasalita ng kung ano-anu yung player na kasama namin ng ang galing daw ng character niya.
Nasaisip ko naman maganda yung skills ng character niya kaya, ok. Tapos ang sumunod na sinabi niya ang “galing galing” daw niya. Sabi ng kaibigan ko sa chat “Lol”, sa totoo lamang kami talaga yung madaming napapatay na kalaban sa quest namin, at siya napansin namin mga isa o dalawa lang per screen.
Anyways, ang sinabi ng player sa amin e “Weak lang kayo”. Syempre, dahil ayaw mag patalo ng kaibigan ko, hinamon makipag-”PvP”, silang dalawa daw. Tapos sabay leave ng player, minessage ng kaibigan ko yung player “Scared! Takot ka pala eh. PvP tayo kung malakas ka nga”. Natawa na lang ako at hindi sumagot pabalik yung nakasama namin kanina.
Nakakainis lang nuh yung mga taong ganun. Hindi na lang tumahimik at sana my sense of humility man lang. Nanalo ka lang ng ilang matches o nag MVP ka ng isa doesn't mean “Ikaw na!” ang malakas.
Kung kaya mo, shut up ka na lang, wag masyadong mayabang. Ok lang naman magyabang (minsan) kung may ipagyayabang ka naman e. Para hindi ka naman mapahiya o mag-mukhang tanga lalo na kung ikaw yung nakahiga sa lupa at ikaw pa rin yung ng tra-”trash talk”. Hahaha~
No comments:
Post a Comment