Friday, February 3, 2012

Usapang jeep: Ilan ba talaga ang kasya sa jeep mo manong!?


by The Host of Barber's Cut, Jun

Heto na naman tayo sa usapang jeep mga kaibigan. Ngayon ay idedescribe ko naman sa inyo kung ano ang meron kung bakit minsan masikip o maluwag ang jeep.  Sa tagal ng aking experience sa pagcocommute via jeep, iba’t ibang klase na ng haba, liit, luwang, at sikip (andumi ng isip mo) ang meron depende na mismo sa pagkakagawa ng jeep. Pero isa lang ang nasisiguro kong pare-pareho sa mga ito.

Ano man ang haba ng jeep, gaano man ka komportable ang mga upuan, gaano man kabilis ito mapuno o mawalan ng pasahero, gaano man kabait o ka suplado ang driver, atbp, ay ni hinding hindi nito aaminin na sadyang sobra ng ISA ang kanyang deklarasyon sa kapasidad ng kanyang jeep sa bawat hilera.

Halimbawa:
Total jeep capacity (Realistic): Driver=1, Front seat =1, Back seats= 16 (8 ea side) Total: 18
Total jeep capacity (PINOY): Driver = 1, Front seat = 2, Back seats = 18(9 ea side), Sabit=2
Total: 23 + kalong na bata = ?? (optional)

Pag sinabing siyaman yan, expect mo na waluhan lang yan. Kung waluhan, nakupo, pito lang ang kasya sa bawat hilera. Ewan ko ba, siguro sa hirap ng buhay, iniisip ng bawat driver na ipilit pagkasyahin ang mga pasahero para sa kanyang extrang kita. O kaya naman eh sadyang assuming lang si manong driver na sexy o payat lahat ng sasakay sa jeep. Yun yung tipong pag may sumakay lng na isang mataba,wala na. Sobrang sikip na. Eh syempre as discussed nga sa previous article ko about dispatchers eh papaluin pa nya yung tagiliran ng jeep para pagkasyahin kayong lahat na parang MRT lang.

Nakakabadtrip yon.

Wala pang patawad yan nagpapasabit pa. Grabe. Hindi ko naman masisi ang mga manong driver, pero sana naman pag obvious ng hindi na kasya at hindi na komportable ang mga pasahero, eh tawad na. Madalas kong maranasan na mahuli sa pagsakay sa jeep ng dahil sa pagmamadali at aun na nga ang aking grand prize, mas malaki pa yung palad ko sa uupuan kong pwesto.

Marami rin naman kasing maangas umupo na akala mo nasa sofa ng bahay. Kaya minsan napaparinggan din sila ng ibang pasahero na “upong otso lang oh” (or kung ano man ang minimum fare). Isa itong senyales na umayos ka na ng upo. Pero kahit na, minsan talagang kung bibilangin mo kasi ang “siyamang” jeep the moment na umupo ka eh talagang walo lang ang kasya “virtually”.

Pinoy lang talaga nakakapagpilit pa ng doble. May kalong pang bata, na may dalang lobo o laruan. Yung mga nasa bandang likuran ng driver either may dala pang travel bag, pinamiling grocery, o panabong na manok. The best yung may sasakay na may dalang mahabang kahoy at nakalatag sa gitna ng jeep.

Minsan naranasan kong nagsabay sabay yung mga ganon. Ang sikip na, may obstacle course ka pa. Eh nasaktuhang ikaw pa unang bababa. Panalo diba? Tapos nagmamadali ka kasi dun ka pa sa mabilisang load/unload areas papara. Pagbaba mo napakalaking achievement na agad ang mararamdaman mo. Nakakatawa oo, pero totoo.

Ilan lamang yan sa mga unsolved mysteries ng pagcocommute via jeepney. Pero masaya siya pag napagmuni-munihan mo siya pagkatapos ng ilang taon.

Ilang bagay na proud to be Pinoy: Commuting, It's More Fun in the Philippines.

No comments:

Post a Comment