Friday, February 17, 2012

Pokemon Online, Part 2


By Gaius

Ngaun at nakapaginstall na kayo ng Pokemon Online for Android, ano na? Well, I guess it's time to discuss this abit further :) 
Common Clauses

Ang mga clauses ay mga rules na sineset ng mga nagchallenge ng pokemon battle. Ang Pokemon Online Server ang nageenforce ng rules na to. Hindi pwedeng labagin ang mga clause pag nagsimula na ang battle- either you cannot use a certain move or you'd automatically lose. Eto ang mga common na mga clauses na ginagamit sa Pokemon Online.

1.) Species Clause. Halos lahat ng tournaments or kahit random battle lang, nka-enforce ang Species Clause. Basically, hindi pwedeng magkaroon ng parehong specie ng pokemon ang iyong team. So bawal ang team na may dalawang Eviolite Chansey at apat na Victini

2.) Sleep Clause. Pag nka enforce ang sleep clause, pag may nka sleep na napokemon sa team mo (or sa team ng kalaban mo), lahat ng offensive sleep-inducing moves tulad ng Yawn or Sleep Powder ay hindi na pwedeng gamitin. Take note: pwede parin ang defensive sleep moves like Rest.

3.) Self-KO Clause. Isa din ang Self-KO Clause sa mga commonly enforced rules, lalo na sa mga tournaments. Basically, Any move that may cause a tie cannot be used. Explosion na cguro ang pinaka kilalang move dito, pero pwede din ang Destiny Bond or Final Gambit.

4.) Item Clause. This just means that no held items can be duplicate. Eto ang isa sa mga pinaka ayaw kong common clause- don't even bother to challenge me kung nka Item Clause kayo. Most of my teams have multiple Leftovers and Life Orbs :P

5.) Evasion Clause. Moves that solely increase your evasion and does nothing else cannot be used. So bawal ang Double Team and Minimize- I'm not sure why though, kasi andami namang paraan para tangalin or lusutan ang evasion boosts eh. Maraming mga sure hit moves like Swift or Rain Dance+Thunder, at uso din ang mga Hazers. Pero ilang beses ko na rin na encounter ang rule na to.

6.) OHKO Clause. Moves that does One-Hit Knock Out on an opposing Pokemon cannot be used. Medyo self-explanatory naman, OHKO moves rely on luck only, ang Pokemon Online is a game of skill, so almost every challenge have this rule.

Tiers

So malamang nagtataka kayo kung bakit hindi puro Mewtwo, Arceus, Groudon, Kyogre, Zekrom at Reshiram ang nakakalaban nyo sa Pokemon Online. 

OR baliktad- bakit PURO ganito ang teams na nakakalaban nyo? Basically, nahahati ang mga players sa ibat ibang tier. 

Eto ang listahan ng mga tiers at kung ano anong pokemon ang pwede sa bawat tier. Kung nasa Tier OU ang pokemon mo, ibig sabihin ay legal pa sha sa OU, pero illegal na sa lahat ng nasa baba nyang Tier, like UU.

TANDAAN: Kung ano ang pinaka mataas na Tier ng Pokemon sa iyong team, yun na ang Tier ng buo mong team. So kahit na puro Jigglypuff at iba pang baby pokemon ang nsa team mo, kung meron kang isang Rayquoza sa team: classified ka na as Uber Tier. At malamang ay puro Uber Teams din ang makakaharap mo.

ISA PA, TANDAAN DIN: Ang ranking ng iyong Player ay nagsisimula sa 1000. Iba ang ranking mo sa bawat tier. Uulitin ko: Iba ang ranking mo sa bawat tier. So maaring 2k+ na ang ranking mo sa WiFi OU, pero 700 lang sa WiFi Ubers.

There are three Major Tiers: Dream World (DW), which includes pokemon, abilities and moves that has not yet been released by Nintendo. WiFi, the most common major tier, is composed of every legal Pokemon that can be used in a real WiFi battle. And the "Others" tier, which has special battles like 1v1, Monotype or the Unova Cup.

Dream World and WiFi is further divided into the following minor tiers: 

1.) Uber Tier. The most powerful pokemon up to the weakest can be used here- Only Clause-banned moves (and pokemons with the Moody ability) cannot be used here. Ang lineup sa taas ay isa sa mga pinaka common na Uber line ups.

2.) OU, or Overused Tier. Dito ang preferred tier ko- hindi dahil magaling ako sa OU (less than 900 ang rank ko dito), kung hindi dahil lahat ng gusto kong pokemon ay nandito. Ang lineup sa taas ay ang aking current team.

2.5) BL, or Borderline. Nandito ang mga pokemon na banned sa Underused, which is a common tier, pero pwede sa Overused, which is another common tier. I don't think there are players that actually play BL.

3.) UU, or Underused Tier. Isa to sa mga mas challeging na tiers. Most ng mga common non-uber but powerful pokemon are banned here. Just take a look at the above lineup- kaya kong palitan ang bawat isa dyan ng better alternative kung nasa OU Tier tayo.

3.5) BL2, or Borderline 2. Same as BL, except banned in Lesserused but usable in Underused.

4.) LU, or Lesserused Tier (Also called RU, or Rarelyused). With almost every top tier pokemon, it is quite challenging to create a team on this tier- but very fun too. Kasi, dito sa tier na to, talagang skill, rather than luck, na ang labanan. Pwedeng sa OU or UU makasurvive ka ng isa o dalawang beses at manalo parin, dito mahirap na yun. 

4.5) BL3, or Borderline 3. Same as BL & BL2: banned in Neverused but usable in Lesserused.

5.) NU, or Neverused Tier. This tier is very volatile, in fact, the metagame changes almost every month. But on this tier, you'll begin seeing unevolved versions of pokemon being used. To be honest, I have not tried battling in this tier.

Stay tuned for part 3: Pokemon Team Analysis! :P

Tuesday, February 14, 2012

Pamahiing Pinoy

by the Host of Barber's Cut, Juner

Isalaysay ko naman ang isa sa mga nakakatuwang aspeto ng buhay pinoy, ang pamahiin. Bagama’t nasa makabagong panahon na tayo kung saan naglipana na ang smartphones, magarang sasakyan at iba’t iba pang teknolohiya at kaalaman, hindi parin mawawala ang “oldschool sayings” ng ating mga nakakatanda, at panay ang pagsita nila sa atin sa tuwing nasuway tayo dito. Hindi nga man ito mabigyang kahulugan para maging totoo, wala nga naman daw mawawala sa iyo kung maniniwala ka. Yun nga lang, sa makabagong kabataan, nakakailang itong isabuhay. 

Heto ang ilan sa mga pamahiing plaka na sa ating buhay na kung iisipin mo, apektado ba nito ang buong mundo? O Pilipinas lang? Kung ako mismo ang tatanungin, hindi ako naniniwala pero, wala nga naman masama kung susunod ka or hindi.

Ang nahulog na kutsara at tinidor

 Ano pa nga ba ang masasabi natin sa gender-guessing power ng aksidenteng pagkakahulog ng inyong kutsara at tinidor sa bahay? Ang sabi nga naman nila, kapag aksidenteng nahulog ang kutsara sa loob ng bahay, ay siguradong may dadating na babae, kabaligtaran naman ng sa tinidor na kung saan lalake naman ang darating. Nakakatuwa din isipin na ilang beses din tsumamba to sa aking karanasan sa bahay ko at sa bahay ng ibang tao. Pero wala pa rin patunay na ito nga ay accurate. Minsan nagkatuwaan pa kami nung bread knife yung nalaglag. Napaisip kami kung bakla o tomboy ang dadating, pero wala. Minsan palpak din naman. Kutsara pero lalake yung dumating or wala naman dumating na kahit sino. Hindi daw ito gagana kung sadyang inihulog ang kubyertos. Tingnan mo nga naman ang nagpauso nito, aba at may rules pa! Lol.

Bawal suotin ang damit pangkasal ng babae bago ikasal

Pag daw sinuway ang pamahiing ito, hindi na matutuloy ang kasal. Grabe naman, nagsukat ka lang hindi na tuloy!? Pero wag ka, andaming Pinay na sumusunod dito. Talagang hindi nila sinusuot, ni hindi nila pinapakita sa groom yung damit pangkasal. Malas daw, di daw matutuloy yung kasal. Di pa nakuntento ang Pinoy nilagay pa ito sa ibang pelikula. Kawawang bride, nagsukat ng damit pangkasal is equals to dead. Wala pang kahit anong nagpatunay talaga dito, pero nakakapagtaka sineseryoso. Eh bakit naman sa ibang bansa lalo na sa Amerika kulang nalang i rampa sa runway yung damit pangkasal nya days before ng kanyang wedding date?Ibig sabihin ba sa ibang bansa may series of cancelled weddings gawa lang sa pagsusukat? Hindi siguro. Iba lang talaga ang Pinoy.

BALIS

O isalin ko sa Ingles “Greeting curse” Sikat na sikat to lalo na sa mga may mga bata sa bahay. Pag daw nagpunta ka sa ibang bahay or kahit sa sarili nyong bahay, at binati ,binola o pinuri mo ang isang bata, kaylangan daw “lawayan” ang tyan ng bata para hindi ito mabalis. Kung hindi mo ito gagawin, magkakasakit ang bata, magiging matamlay, hindi makakakain, basta masama ang kalagayan. Grabe, ayaw ko talagang maniwala dito pero napakaraming tao ang kilala ko na kakalimutan ang pagkakaibigan at relasyong pamilya para lang sa pamahiing ito. Kung magkasakit ang bata at hindi nalawayan grabe kaylangan mo pang balikan yung bata para malawayan yung tyan. Eh pano kung pagkabati mo sabay punta mo ng Europe? Wala na? Deads na yung bata? Ang nakakatuwa pa dito, hindi mo alam kung ano ang “trigger factor” nito para gumana ang sumpa sa bata. Kaya sa tuwing babati ka, dapat lawayan blues na. Napapaisip na tuloy ako kung may pupurihin pakong bata. Wala na. Hindi kaya dahil nilalawayan yung bata kaya nagkakasakit. Eh pano kung ang lalaway sayo may lagnat? Sore eyes? Bulutong? Tuberculosis? Abay sasamain nga talaga ang bata. At heto ulit, edi lahat ng tao sa Amerika balis since birth? Umuulan pa naman ng bolahan at compliments sa ibang bansa no!

Ang pagtalon tuwing bagong taon

Ang isa sa mga pinakakalokohang pamahiing meron ang Pinoy. Pag tumalon ka ng bagong taon, tatangkad ka pa. Anak ng tinapa naman oh, nung bata pako wala na akong ginawa kundi tumalon pag bagong taon, kahit hindi bagong taon talon ako ng talon.Kahit Chinese new year pa! Eh bakit 5’6 lang ako?

Minsan nakakatuwang isipin na ang mga pamahiin is a way of discipline and motivation lang para sa kapwa Pinoy. Eh langya namn oh wag naman ganto kasagwa diba. Kung lahi nyo maliit talaga wala na kayo magagwa kahit tumambling ka pa pag bagong taon.

Sa totoo lang napakarami pa, daan pa siguro. Pero Ive made my point. Para sa akin disiplina ang kaylangan, hindi pamahiin. Well, wala na tayong magagawa, tatak Pinoy na yan e!

Monday, February 13, 2012

Pokemon Online

by Gaius

Dahil sa huling post ko tungkol sa SNES Emulator for Android, ang isusunod ko sa ay tungkol sa Gameboy Advance Emulator for Symbian, iPhone & Android (Market, Free @ SlideMe) naman. Kaya lang medyo nabadtrip ako ng nalaman ko na impusible pala maEmulate ng mga mobile devices ang "Link Cable", or any other kind of multiplayer para sa mga GBA Emulators.

[Nerd] Hindi sha tulad ng SNES Emulator na pwede gamitan ng NetPlay dahil kailangan daw ng Link Cable ng near-0ms ping, at impusible un via bluetooth or even wifi. need talaga ng wired connection. Anyway. [/Nerd]

Ano ba ang meron ang Gameboy Advance na medyo useless sha ng wlang Link Cable? Malalaro parin naman natin ang mga sikat na single player games like Advance Wars, Zelda, Castlevania, Final Fantasy Tactics Advance at Super Mario Advance. Ewan ko sainyo, pero hindi ako mapapabili ng Gameboy Advance dahil lang sa mga games na yan. Lahat yan ay kaya (at mas maganda pa) sa Playstation 1, at ang natitira naman ay meron sa SNES. Ano ba talaga ang sense ng pagbili ng GBA, at link cable?

Ano pa ba? Edi Pokemon!

Eto ang isang game na mapapabili ka talaga ng Link Cable. Or else, hindi mo makukumpleto ang collection mo, or even mapaEvolve ang ilang pokemon. Nagiging sulit din ang ngastos mo sa isang bala at isang cable dahil sa multiplayer battles- napaka taas ng "replayabilty" ng Pokemon Games dahil dyan.

Napaisip ako last week kung pano tayo maglalaro ng Pokemon, lalo na ngaung walang Emulator na kayang gumamit ng link cable? Nagkataon naman na nagbrobrowse ako ng mga top grossing android apps ng nakita ko ang app na Pokemon Online for Android. After a few days of research, natutunan ko rin kung papano ba talaga gamitin ang app na to- unfortunately, medyo walang FAQs or ReadMe na kasama ung app, kaya medyo natagalan. So..

-- WARNING! ENGLISH AHEAD!  !! !! --
-- WARNING! ENGLISH AHEAD! (o.o) --

POKEMON ONLINE. Official Website, Wiki, Windows, Mac & Linux Clients, and of course: the Android App. So, how do we do this?

1.) Free & No registration needed. As you can see below, Pokemon Online is organized inside a chat room. Anyone can host servers (here's a link regarding the Server Software), and you only need a unique nickname and the downloaded files to start.

2.) First, download and install the latest Pokemon Online APK to your phone. Go to Settings -Applications, then check the Unknown Sources box. Transfer the APK file from here to your SDCard, and open it using a File Manager. There are many apps for that, but I recommend Astro.

After the install finishes, you can run Pokemon Online, and see the servers available. Change your nickname, select a server, and join it. You can now CHAT! YEY! WOooo... wait. How do we battle? Ok, next step.
 

Ps. By the way, I am (and will almost always be) [CZB]Kelsier. Most of the writers and guests here in 1hourlater will have the [CZB] tag, since that is our clan. We plan on staying in the Pokemon Online Server (188.165.249.120:5080), mainly on the default #TohjoFalls channel, the #Tournaments channel, and the soon to open [CZB]Pinoy channel. Chat with us!
 

3.) Download and Install the Windows, Mac or Linux Client from here. It is absolutely essential (Not really. See notes below.) in order to battle online.

Here's the gist of Pokemon Online: There is NO ADVENTURE MODE. No need to grind levels, no need to travel the world. The point of this, is to battle other players. To skillfully build a balanced team while remaining in your chosen tier. To win tournaments and climb the ranks. And of course, become a Pokemon Master™.

4.) After installing the client, run Pokemon Online and go to the Team Builder. You can also go online here, but let's focus on the android app. You can also set your trainer information on the trainer tab, but the main purpose of this app is the Pokemon Team tab.


5.) Create your team. Pick a slot (you can only carry up to 6 pokemons), then pick a pokemon to go into that slot. (I will expand on this on my next article, where I'll discuss Tiers). After that, you'll notice that the pokemon will automatically have 100 levels as well as max. stats. There are three major things to remember here
 

~ EV - Drag the Sliders besides your pokemon's stats in order to enhance that stat. Make sure to maximize all of your EV points, since you can bet that everyone that you'll battle would probably have their pokemons maxed out too. You can change your Pokemon's Nature too, get a small boost on one stat and a slight penalty on another.
~ Held Item - You CANNOT USE ITEMS in this game. Therfore, your pokemon's held item is the only item that you can utilize.
~ Moveset - Of course, you need to set your pokemon's moves. Every learnable move of the pokemon is listed, whether you can learn it through levelling up, breeding, TM or move tutor. I suggest using STAB moves (Same Type Attack Bonus) such as an Electric-type Pikachu with an Electric-type move Thunderbolt. Also, anticipate your opponents: Electric-type Pikachu's most likely opponent would be a ground type. Learning a Grass-type move Grass Knot would quickly dispatch ground pokemon via Elemental Weakness.

6.) Repeat the process until you have six pokemon in your team. Double check your team. Note: You don't have to be online in order to use the team builder.


7.A) Here's the tricky part: You need to import your team to the Android App. You can save the file (trainerName.tp) and transfer it through USB cable into your phone's SDCard. Or we can use QR Codes, which in my opinion, is a lot faster. On the Team Builder, Click Plugins. If there is no "Export Team to QR Code" option, click Plugin Manager-Add Plugin, then select QRCodePlugin.dll. Close the Plugin Manager and go back to the Plugin Menu. Click Export Team to QR Code. A QR Code should appear just like below.
   

7.B) Open the Pokemon Online on your phone. If you're already in the Chat room, hit menu-disconnect. You should be back on the server select screen. Click the button that says "Import Team". If you used the file method, just search for the file. If you used the QR Code method, the app will ask you to install a Barcode Scanner. Don't worry, its safe. After doing so, just scan your generated QR Code. Don't forget to maximize the QR Code screen so that you'd scan the whole thing.

8.) If a "Team Successfully imported" toast appears, then congratulations! It's time to battle! Join a server again, and pick a channel. The Pokemon Online Server normally has a bunch of people, especially in their default channel #TohjoFalls. You can slide the chatroom to the right in order to see the players. You can long press individual players to challenge them, or you click the menu button and select "Find Battle" to automatically find a willing player.



9.) Enjoy! (and WIN!)


Note: You can try Pokemon Online first before going through the hassle of creating a team! You'd just have to use one of my teams instead. Do Steps 1 & 2, then go directly to Step 7.B- scan the QR Codes that I provided on step 7.A! I think both of them are Tier WiFi OU, but I'm not sure. Anyway, I hope you guys enjoy~

note: wow. 1,200 words + pics. Maybe I should've turned this article into three parts, instead of just two..

Monday, February 6, 2012

Traffic "In"-forcer

Guest Post by Gibbs

“Ang trapik naman. Hindi naman nagtratrapik ng ganitong oras dito e. Kaya naman pala. May bobo sa kalye. ” Mga salitang nasabi ko ng ako ay may pupuntahan, lalo tuloy na Pilipino time ako hehehe, at na experience ang inexpected na trapik sa lugar na hindi naman nag tratrapik. Meron kasing Traffic “In”-Forcer.

Galing nilang mag ayos ng pag galaw ng trapik lalo na sa amin. Aba ang gagawin ba naman patitigiliin ang isang lane tapos edi lapad nga naman ng kabila edi 2 lanes nga naman ang bilis e hindi ba nila naisip na makipot din ang daan kung saan nila pinatigil yung una. Hirap tuloy mag bigayan ng mga sasakyan since isang lane pa rin naman ang papasukan. Ano kaya yun? Ang bobo naman.

Isa pang senario, ito talaga ang napakahusay sa lahat e. Yung mga trapik “In”-Forcer naka pwesto sa may mga stop light. “Duh” anu kaya yun, kaya nga na doon yung stop light para controlin yung trafik e. Edi nalilito yung mga nagmamaneho kung anung susundin kung yung tao o yung stop light. Ang masama talaga doon “Green” na sa lane mo, aba pinanahinto ka pa rin kasi may unti pang hindi nakakatawid e may nadating pang unti pang sasakyan, ayun na abutan na ng “Red”. Ang bobo talaga.

Iwan ko lang talaga sa tuwing nakikita ko talaga yung mga yan na naka-duty e hindi umaayos ang trapik lakas pang mangotong. Syepre kung hindi mo kakilala e peperahan ka lang. Natatawa nga ako doon sa kwento sa akin ng kaibigan ko. Pinahiya talaga nila yung trapik “In”-Forcer. Kala niya makakaisa siya sa kanya. Nagdridrive sila sa may part na papuntang MOA. Pina-pull over sila kasi wrong lane daw yung sasakyan nila. Edi titicketan daw siya o padulas na lang, ito malupet e, may tinawagan yung kaibigan ko sa cellphone niya tapos binigay sa “In”-Forcer. “Huli ka Balbon!” kala niya niloloko siya eh. Kilala ng kaibigan ko yung isang head sa pulis. Suspendido ka, Bobo mo boy! Hahaha...

So alam na kung bakit nag tratrapik meron kasi nag “IIN”-force ng trapik.

Friday, February 3, 2012

Usapang jeep: Ilan ba talaga ang kasya sa jeep mo manong!?


by The Host of Barber's Cut, Jun

Heto na naman tayo sa usapang jeep mga kaibigan. Ngayon ay idedescribe ko naman sa inyo kung ano ang meron kung bakit minsan masikip o maluwag ang jeep.  Sa tagal ng aking experience sa pagcocommute via jeep, iba’t ibang klase na ng haba, liit, luwang, at sikip (andumi ng isip mo) ang meron depende na mismo sa pagkakagawa ng jeep. Pero isa lang ang nasisiguro kong pare-pareho sa mga ito.

Ano man ang haba ng jeep, gaano man ka komportable ang mga upuan, gaano man kabilis ito mapuno o mawalan ng pasahero, gaano man kabait o ka suplado ang driver, atbp, ay ni hinding hindi nito aaminin na sadyang sobra ng ISA ang kanyang deklarasyon sa kapasidad ng kanyang jeep sa bawat hilera.

Halimbawa:
Total jeep capacity (Realistic): Driver=1, Front seat =1, Back seats= 16 (8 ea side) Total: 18
Total jeep capacity (PINOY): Driver = 1, Front seat = 2, Back seats = 18(9 ea side), Sabit=2
Total: 23 + kalong na bata = ?? (optional)

Pag sinabing siyaman yan, expect mo na waluhan lang yan. Kung waluhan, nakupo, pito lang ang kasya sa bawat hilera. Ewan ko ba, siguro sa hirap ng buhay, iniisip ng bawat driver na ipilit pagkasyahin ang mga pasahero para sa kanyang extrang kita. O kaya naman eh sadyang assuming lang si manong driver na sexy o payat lahat ng sasakay sa jeep. Yun yung tipong pag may sumakay lng na isang mataba,wala na. Sobrang sikip na. Eh syempre as discussed nga sa previous article ko about dispatchers eh papaluin pa nya yung tagiliran ng jeep para pagkasyahin kayong lahat na parang MRT lang.

Nakakabadtrip yon.

Wala pang patawad yan nagpapasabit pa. Grabe. Hindi ko naman masisi ang mga manong driver, pero sana naman pag obvious ng hindi na kasya at hindi na komportable ang mga pasahero, eh tawad na. Madalas kong maranasan na mahuli sa pagsakay sa jeep ng dahil sa pagmamadali at aun na nga ang aking grand prize, mas malaki pa yung palad ko sa uupuan kong pwesto.

Marami rin naman kasing maangas umupo na akala mo nasa sofa ng bahay. Kaya minsan napaparinggan din sila ng ibang pasahero na “upong otso lang oh” (or kung ano man ang minimum fare). Isa itong senyales na umayos ka na ng upo. Pero kahit na, minsan talagang kung bibilangin mo kasi ang “siyamang” jeep the moment na umupo ka eh talagang walo lang ang kasya “virtually”.

Pinoy lang talaga nakakapagpilit pa ng doble. May kalong pang bata, na may dalang lobo o laruan. Yung mga nasa bandang likuran ng driver either may dala pang travel bag, pinamiling grocery, o panabong na manok. The best yung may sasakay na may dalang mahabang kahoy at nakalatag sa gitna ng jeep.

Minsan naranasan kong nagsabay sabay yung mga ganon. Ang sikip na, may obstacle course ka pa. Eh nasaktuhang ikaw pa unang bababa. Panalo diba? Tapos nagmamadali ka kasi dun ka pa sa mabilisang load/unload areas papara. Pagbaba mo napakalaking achievement na agad ang mararamdaman mo. Nakakatawa oo, pero totoo.

Ilan lamang yan sa mga unsolved mysteries ng pagcocommute via jeepney. Pero masaya siya pag napagmuni-munihan mo siya pagkatapos ng ilang taon.

Ilang bagay na proud to be Pinoy: Commuting, It's More Fun in the Philippines.

Thursday, February 2, 2012

GO Keyboard

Ang Keyboard App ay ang tanging Android App na impusibleng hindi magamit. At halos lahat ng Stock keyboard apps, mag mula sa Android Keypad, pati ang mga default na galing sa mga manufacturers tulad ng Samsung Keypad o HTC Sense Keyboard, ay puro may mga prublema.

Mashado maliit ang buttons sa Android Keypad - lalo na ung sa Gingerbread version. Maganda na sana ung Samsung Keypad, lalo na ung Galaxy Note Edition na may number row, ngunit wala namang custom themes or custom dictionaries. Medyo matagal din turuan ng Tagalog ang mga un. Iilan lang rin ang Keyboard Apps na may ASCII emoticons- meron pa ngang mga keyboard na nag iimport ng maliliit na pictures bilang emoticon.

Meet GO Keyboard + Filipino for GO Keyboard + GO Keyboard Fantasy Text

Hindi mo kailangan ng GO Launcher or GO SMS Pro para magamit ang GO Keyboard- stand alone sha. At ang keyboard na ito ang isa sa mga pinaka kumpurtable at kumpletong keyboards na nagamit ko.

Features:

1.) Tagalog Dictionary

2.) Themes

3.) Emoticons

4.) Voice Recording AND Hosting

5.) Auto- l33+ speak translator (very cool~)

I really recommend trying out the GO Keyboard :) By the way, nabangit ko ba na ang mga apps na ito ay walang bayad? Yup, only several of the themes are not free, pero the keyboard itself and the plugins/dictionaries are actually FREE of charge.

Wednesday, February 1, 2012

Usapang Jeep: Dispatcher. Need or No Need?

by the Host of Barber's Cut, Jun

Yep,  ang dispatcher.

Sino nga naman ang di makakakilala sa kanila. Ang masugid na nagtatawag ng pasahero hindi lang sa jeep kundi sa kahit anong sasakyang pampasahero. Ngunit tanong ko sa aking sarili, "kaylangan pa nga ba ng dispatcher? "

Well, siguro kung tagakolekta ng bayad sa terminal mismo at pawang yun lang. Pero yung nasa jeep loading hotspots na bago pa tumigil yung jeep eh sasabitan na para magmukang cool habang sinisigaw ang signboard destination?

Hindi siguro.

Tapos pag may napasakay syang pasahero eh hihingi ng bayad sa driver? Parang tanga lang. Hindi ba kaya na ng driver yon? Parang redundant. Ginagawang may sense kahit wala para lang kumita ng pera.  Hindi naman sa pangmamaliit pero pre naman, wala naba talagang naiembentong mas kikita pa diyan?

Naghahanap buhay yung mamang driver tapos kokotongan mo na kasi may sumakay na isa o dalwang tao?  Na sasakay at sasakay din naman kahit mahimbing kang natutulog sa bahay nyo? Nonsense. Minsan nagtanong ako sa isang driver kung magkano ang bayad sa dispatcher. Kadalasan daw limang piso kahit dadalwa yung sumakay.  Pag napuno hihirit ng sampu o dose. Eh pag daw dimo naman nabigyan baka magsimula ng gulo, abala pa sa pasahero. Biruin mo yon?

Sa dalwang taong sasakay isipin mo pa na mawalan ka ng 5 pesos sa kikitain mo na sana. Malaking bagay na yon sa driver lalo na kung nagbbgay pa sya ng boundary. Para lang sa isang trabaho na kahit wala naman eh kikita pa lalo yung driver. Well hindi ko pa nga nabanggit na isang beses nahuli pa yung driver dahil sa dispatcher na pinilit magsakay ng pasahero sa non loading area.

Minsan kasi haharangin tlga pra lang makapagtawag ng pasahero at makalimampiso. Minsan agawan pa ang ilang dispatcher,  paunahan sa jeep na makokotongan. Hay naku iba iba pa nga style ng mga yan may isang beses pa nga nagmamadali ako tapos akala ko mapupuno na yung jeep kaya nghintay ako saglit, yun pala sumakay ang mga loko temporarily para magmukang puno yung jeep. Tapos nagbababaan kapag may sasakay na ulit.

Nakakabwisit.

At syempre yung iba asal kalye pa pag may sumakay na chicks hihirit pa ng bastos na punchline. Pre naman,  wala na ngang naitutulong yang ginagawa mo nambabastos ka pa? Nakakairita din yung pinapalo yung sides ng jeep na parang walang nakaupo, pinipilit kang umisod kahit wala ka ng maupuan. At may comments ka pang nakukuha sa kanila pag di tuwid masyado yung upo mo ha o may katabaan ka.

Again ok lang kung siguro kung parte ka ng buhay driver. Pero hindi eh. Siguro kung gagawan ng survey yan 1 out of 10 lang ang magsasabing gusto nila ng dispatcher na hindi naman nila kaanu ano. Kasi para sakin may dispatcher man o wala may sasakay na pasahero at may kita ang buhay jeep. Isa itong parte ng trabaho ng driver na no need ng ihiwalay pa para pagkakitaan.

Ikaw?

Tingin mo ba kaylangan pa ng dispatcher? Ayaw kong mandiscriminate ng kapwa pinoy pero isa ito sa mga napansin kong mali sa buhay natin. Sa hirap nga naman ng buhay pinoy kesa gumawa ng krimen eh pwede narin to. Pero hindi pa rin sapat na dahilan para iasa sa isang taong nghihirap para kumayod ang pagkakaroon ng barya para ipang Kara cruz at ipantambay.

Magbanat ng buto,  hindi ng pasahero.