Tuesday, January 24, 2012

Intro~ Usapang Jeep



by: The Host of Barber's Cut, Juner.



Ano nga ba itong topic na ito? Simple lang pakinggan diba? Yun e kung mababaw ka.  Biro lang.  Basically wala naman kasi akong kotse, at halos buong buhay ko yata ay ngjijeep lng ako. 

Sa araw araw banamang pagcocommute wala ka bang ideya or experience man lang na paulit ulit na nakakainis ng isipin na itoy pinoy culture na?  

Nais mo mang baguhin, e kahit gobyerno hindi kaya? 

Gusto ko lang ikwento dito lahat ng wala lang tungkol sa trapikong pinoy.  Mostly jeep pero open naman kami sa ibang vehicle basta pinoy.  Siyaman?  Dispatcher? Iskerol? Para? 

Ilan lamang sa mga pwede kong ibahagi sa inyo tutal nagaaksaya ka rin lang ng panahon para basahin ang blog na to. Kasi nga pinoy ka. Ugali mo yan e diba? Believe me, makakarelate ka. Sa bawat araw na maisipan kong magshare ng jeep and street experiences,  ilalagay ko to sa usapang jeep. 

Mapangiti kana lang one day maexperience mo.  

Naexperience mo na ba magbayad ng minimum fare sa driver using 1000 php bill?  O ayan may tip ka na agad sa 123 ha.  Hindi mo alam ang 123??  Stay tuned pal. 

Madami tayong pguusapan dito. Kung anak mayaman ka na hindi maalam magjeep baka mapacommute ka sa pagbabasa ng aming blog dahil you've missed half of your pinoy life not riding and experiencing daily life in commuting via jeepney.  

Take note nga pala nakasakay nako one time sa isang jeep na magaling mag English yung driver.  

O,  simula palang to, isang pa lang to sa mga topic ng blog nato.  Sana tangkilikin natin hindi lang ang blog na to kundi narin ang blog ng pinoy.  

Ugali mo yan e! 

Editor's note: Basta lahat ng nasasakyan, mula sa mga jeep, hangang sa mga taxi, pati narin mga babae- si Juner ang magiging writer at resident guru ng 1 hour later :)

No comments:

Post a Comment