Wednesday, January 25, 2012

Facebook Profile

Tulad ng milyon milyong tao sa buong mundo, tayong mga pinoy ay nahilig din sa Facebook: pero dahil marami sa atin ay nanggaling sa Friendster, karamihan sa mga pinoy ay hindi masaya sa kanilang mga facebook profile. Para sa mga hindi nakakaalam, ang profile page mo sa friendster ay hamak na mas customizable kaysa sa facebook. Mula sa background color/picture/music hangang sa Custom Style Sheets, pwede mong ibahin sa iyong Friendster Profile Page.

Pero last November, ipinakita ng Facebook ang bagong itsura ng ating mga Profile Page: ang Facebook Timeline. Malaking cover picture sa unahan, mas madaling intindihing wall, at higit sa lahat, ang pag fe-Feature at pag ha-Hide ng mga story sa ating Timeline at News Stream.

Medyo natagalan, pero unti unti nang naro-roll out ang timeline simula noong January. Kung hindi parin naka activate ang Timeline ng facebook account mo, malas mo :) Buti nalang nandito ko para tulungan ka~

1.) Mag login sa facebook.com
2.) i-Type sa search bar ang "Timeline".
3.) Piliin ang Introducing Timeline by Facebook.
4.) i-Click ang "Get it now" para mai-Activate ang Facebook Timeline.

Bago maging active ang iyong bagong Profile Page, dapat kang pumili ng isang cover photo. Ang iyong Cover Photo ay ang magiging focus ng iyong profile: ito ang pinakaunang makikita ng mga tao pag pumunta sila sa iyong personal profile.

At dahil diyan, ang mga sumusunod ay ilang mga suggestions upang maging unique at kakaiba ang inyong mga Facebook Profiles:


Goku vs. Vegeta. Original Concept by Reddit user TurkuSama (http://redd.it/ojg6k), Image by DeviantArt user *Javas (http://fav.me/drxfsy)


Symphony of the Night. Concept & Art by Magrippinho (http://redd.it/o8cqa)

Angry Birds. Concept & Art by Me (GaiusSensei)

 
Baby Leopard. Concept by Me (GaiusSensei) & Art by teh internetz (I can't find the source, sorry)

 
Pokemon. Concept & Art by Reddit user Zeronaissance (http://redd.it/oamcl)

 
Scott Pilgrim. Concept by Me (GaiusSensei) & Art by Stéphane Boutin (http://goo.gl/pWJl3)


Tekken (Devil Jin). Concept by Me (GaiusSensei) & Art by =alekSparx (http://fav.me/d4l23qq)

Ang bawat picture sa taas ay nakalink sa isang album kung saan makukuha nyo ang cover photo at profile photo na ipinapakita. Kung mapapansin nyo, sadyang walang watermarks ang mga picture sa taas, kung kaya'y wag nyu sanang kalimutan i-Link ang site namin pag ginamit nyu ang isa sa aming mga cover photos at profile images! (j.mp/1hourlater)

Ps. Para sa mga pinoy nerds: ang optimal resolution ng isang cover pic ay: 851x315, with a 1px black border overlayed, at ang para naman sa profile pic ay: 200x200 with a 12(!) px white border overlayed, scaled down(!) on upload to 125x125. Kung susundin ang dalawang resolutions na yan, maiiwasan ang sobrang pag strech, pag scale o pag pixellate ng mga pics :)

No comments:

Post a Comment