Tuesday, January 31, 2012

Asa!

Guest Post by Gibbs



Narinig mo na ba yung salitang “ASA” habang nag lalaro kayo? Kahit anung laro. Palagi ko na lang naririnig o nababasa yan pag nagkaka-initan na sa laro. Minsan kasi, may mga manlalarong mayabang natatapat pa sa mga mahahangin din, ayun “trash talk”-an na ang kinalabasan.

Madalas kong mapansin yan, lalo na sa mga bata na hindi pa alam/ naiintindihan ang sinasabi nila.. Lalo na sa mga computer games tulad ng DotA at mga on-line games. At maslalo pa sa loob ng mga "PvP areas", kasi nga naman, doon palakasan talaga ng character na ginawa mo e.

Hindi ko lang talaga malaman kong ano ba talaga intensyon bakit ng tra-”trash talk” tayong mga pinoy. Gusto lang ba nilang mang-inis lang talaga para mawala yung focus ng kalaban sa laro, o nagyayabang ba dahil ang “galing-galing” nila sa laro- kahit na technically, mas madalas na sila yung mga walang ginagawa (at puro hangin). lol.

O baka naman dahil natalo nila ng ilang beses yung kalaban nila, o mas mataas ang nakuhang score/points sa laro, o sila lang talaga yung nag ”MVP” sa laro.

Isang beses, naglalaro kami ng kaibigan ko ng isang on-line game at my gagawin kaming quest, kaya naman talaga namin yun kahit dalawa kami, may sumama isang player na di namin kilala.

Well, pinasama na namin kasi baka mas bumilis yung quest kung may kasama kami. Sa kalagitnaan ng quest nag sasalita ng kung ano-anu yung player na kasama namin ng ang galing daw ng character niya.

Nasaisip ko naman maganda yung skills ng character niya kaya, ok. Tapos ang sumunod na sinabi niya ang “galing galing” daw niya. Sabi ng kaibigan ko sa chat “Lol”, sa totoo lamang kami talaga yung madaming napapatay na kalaban sa quest namin, at siya napansin namin mga isa o dalawa lang per screen.

Anyways, ang sinabi ng player sa amin e “Weak lang kayo”. Syempre, dahil ayaw mag patalo ng kaibigan ko, hinamon makipag-”PvP”, silang dalawa daw. Tapos sabay leave ng player, minessage ng kaibigan ko yung player “Scared! Takot ka pala eh. PvP tayo kung malakas ka nga”. Natawa na lang ako at hindi sumagot pabalik yung nakasama namin kanina.

Nakakainis lang nuh yung mga taong ganun. Hindi na lang tumahimik at sana my sense of humility man lang. Nanalo ka lang ng ilang matches o nag MVP ka ng isa doesn't mean “Ikaw na!” ang malakas.

Kung kaya mo, shut up ka na lang, wag masyadong mayabang. Ok lang naman magyabang (minsan) kung may ipagyayabang ka naman e. Para hindi ka naman mapahiya o mag-mukhang tanga lalo na kung ikaw yung nakahiga sa lupa at ikaw pa rin yung ng tra-”trash talk”. Hahaha~

Monday, January 30, 2012

BARBER's CUT Episode 1 Part 2: Field Trips & Heroes


Maligayang pagdating sa ikalawang bahagi ng unang episode ng BARBER's CUT: kwentong barbero lang.

Question for the week: Meron ba kayong memorable field trips? at sino ang inyong favorite filipino hero?

English: Do you have a memorable field trip? also, who is your favorite filipino hero?

Discuss in the comments below or on our reddit page: 1hourlater.reddit.com :)
Intro: Bagani Music, Batugan.

Friday, January 27, 2012

SNESoid

Family Computers. Halos lahat sa atin ay nagsimulang maglaro ng digital games mula sa family computers. Techincally, ang mga lumang family computers ay talagang mga Nintendo Entertaintment Systems, o NES, at ang mga mas sikat at mas bagong fami-coms ay ang mga Super NES, o SNES.

Fast forward to the year 201Xs: uso na ang mga smart phones. Ang henerasyon ng mga lumaki sa fami-coms ay may mga anak na ngayon. No wonder marami sa mga developers ay sinusubukang ibalik ang SNES sa ating mga mobile devices: Symbian, iPhone and Android phones all have a working SNES emulator. At dahil pinoy tayo, we're going with the only free option: the Android SNES app, SNESoid.

Ang SNESoid (SNES for Android) is not available sa Android Market. Meron mga free SNES emu apps doon, tulad ng SuperGNes Lite, ngunit meron silang mga limitasyon tulad ng kawalan ng Save/Load states. So, papano nating makukuha ang SNESoid? Pwede tayong maghanap sa internet ng APK files (installers), pero may mas madaling paraan:

1. Pumunta sa SlideMe.org
2. i-Download at iInstall ang SAM (SlideMe Android Market)
3. Search and install SNESoid.

Ang SlideMe market ay isa sa mga alternative marketplaces na nagoofer ng android apps, tulad ng Samsung Apps o GetJar. Ngaung meron na taung Emulator, wag kalimutan mag lagay ng ROMs sa inyong sdcard. Eto ay ilan sa mga classics:

Final Fantasy V. One of the very first real JRPGs out there, hinding hindi ko malilimutan si Butz Klauser at ang kanyang chocobo na si Boco :) Link to ROM.

Chrono Trigger. One of the best stories out there, even by today's standards. Seriously dudes, pwede mo labanan ang final boss within the first 15 minutes into the game! Link to ROM.

• Kung Final Fantasy ang isa sa mga original JRPGs, ang Zelda: Link to the Past ay ANG original kickass adventure game. Link to ROM. (PS. Babae po si Zelda. Si Link ung bida (nka green na dude)).

• Marami sa inyo ay lumaki sa Super Mario- ako hindi. Hindi ako magaling sa mga platformer na mga games. Kung kaya ang nilaro ko noon ay Super Mario RPG. Link to ROM.

• Pero kung papapiliin ako kung ano ang pinaka magandang platformer, mas trip ko parin ang MegaMan X series :) Link to ROM.

Isa sa mga unique features ng SNESoid ay ang kakayahan nito na makapag MULTIPLAYER. oo, kaylangan lang ng isa pang android device na may nakainstall ding SNESoid, at bluetooth. Pwede rin WiFi, although hindi pa namin natrytry. Pumili ng Rom na may multiplayer option- dapat pareho kayo ng kasama mo ng pipiliin na game (syempre). Tapos, pindutin ang menu button at piliin ang NetPlay. Siguraduhing nka-On ang bluetooth nga phones nyo. Sinubukan namin to ni Barber's Cut Host Jun, at merong konting lag sa bluetooth, pero nakapaglaro kami ng ilang masasayang old-school games. Tulad ng:

• Classic 2 player :) Contra 3, up-up-down-down-left-right-left-right-B-A-select-start. Link to ROM.

Mortal Kombat 3, One of the first serious 2 player "versus" fighting games. Ang daya, nka Xperia Play si Jun :( Link to ROM.

• Kirby's Dream Land 3, is a very nice cooperative side scroller game. Quite fun, at maniwala kayo sa hindi, medyo komplikado din ang larong ito. Link to ROM.

Currently, etong dalawang games na to ang aking pinagtritripan laruin:

Blazeon. Spaceship sidescroller, kung saan pwede kang sumapi sa mga kalabang spaceships. Link to ROM.

• Rayearth. I love Mecha, especially Mecha Animer. This is one of the first Mecha Animes that I watched, at nung nalaman ko na may Rayearth game sa SNES, hindi pwedeng hindi ko to tapusin :) Link to ROM.

I think that's it for our first Android Game review: SNESoid. It's quite better than the emulators na available sa android market, at may multiplayer option pa! Isa to sa mga iilang game apps na sulit na sulit talaga. Until next time guys, rock on~!

Thursday, January 26, 2012

Malling.

by: The Host of Barber's Cut, Juner.

Okay. Ugaling pinoy sa mall. Maybe hindi mo napapansin pero, if you're a typical pinoy, imposible naman siguro na hindi ka nainis sa saleslady sa department store o may nakitang kakaiba sa escalator. Tingin ko makakarelate ka nanaman sakin. Simulan ko na. Game.

"Ang mahal pala.. "

Eto, isang ugaling napakadalang aminin ng typical pinoy. Minsan napadaan ako sa Giordano para maghanap ng jacket na pwedeng pang opisina. It's a simple one, gray, with decent na tela, tamang sukat pako. Aba bagay! Siguro mukha naman akong may pera kaya nilapitan nako ng saleslady. Aun bagay nga daw pero xempre nambobola lang sya. Ako naman nagtanong (pucha naman kasi walang tag price) kung magkano.. 2800 pala! Anak ng. May pera akong pambili pero hindi naman ako magbabayad ng 2800 para sa isang jacket na pwede rin mpgkamalang galing sa bench. Xempre pinoy ako, at ayaw magmukang poor kahit mejo malapit ito sa katotohanan kaya ntanong ko nalang bigla kung may color ba silang beige nung jacket. Syempre wala at nagbigay nalang ako ng "sayang.. " na facial expression. Solb! Dinako napahiya! Haha, malay ko ba na mahal diba? At malamang di lang ako yung nkaexperience nito,tip ko nalang sa inyo guys check the price muna bago isukat. Kung worth it edi go!

"Useless mopping "


Ever wondered why kung bakit kung kelan kasagsagan ng mall hours tska may pilit na nagmomop ng floor? Kada isang swipe nya may kapalit agad na footprint? Dko gets talaga. Paki email ako kung alam nyo ang sagot..

"Useless security check"

Kaya tayo kayang pasabugin ng mga terorista sa mall eh dahil kahit ako pwedeng makapagpasok ng bomba. Naranasan mo naba na habang nakasuksok yung search stick(ano ba tawag don? ) sa bag mo e dun na nakatingin yung sikyo sa bag ng nsa likod mong nkapila? Tapos kapkap bewang lang? Eh pano kung yung jungle bolo ko nakatali sa hita ko? Ok na? Jusko...

"Camwhores"

Minsan kasi O.A na eh. Nasa tapat kalang ng jollibee nagpapapicture kapa? Excessive abuse of technology eh. Kung nung panahon pa nung naka agfa/kodak/fuji etc., film pa ang camera mggwa mo ba yan? Hindi naman sa pagbbsag ng trip pero c'mon naman. Pti pagsubo ng fries naka peace sign kapa? LOL. Proud ka hawak mong coffee cup starbucks? Piktyur na!

"Express lane, na kasing bagal ng normal lane"

Hindi ko maintindihan kung bakit parang mas mabilis pa akong umabot sa cashier sa normal lane kesa sa express lane ng supermarket lalo na kung sumusunod ako ng ayos sa "12 items or less" rule. Tayo nga naman kasi, sabi na ngang 12 items or less dun parin napila sa express kahit cart na ung dala.. diko lam kung ganto rin senyo pero natataon pa kadalasan na mabagal ung cashier na nilalagay sa express lane or yung mga items na dala ng mga bumile eh walang price tag...


"PDA"

Or public display of affection pra dun sa mga nag "now loading" yung utak. Grabe din to. Sa escalator naghahalikan? Sa sinehan ng yayapusan at nglalampungan kahit toy story ang palabas? Get a room dammit. Andaming ganito sa tipikal na mall na para bang walang ibang tao. Well sa ibang bansa wala lang to.. pero wala tayo sa ibang bansa, nasa Pilipinas tayo!



"Ang buntotlady"


Bakit buntotlady? Kasi ito yung saleslady na buntot ng buntot kahit wala ka pang hinahawakang item! "Yes sir/mam sukat napo kau bagay sa inyo, eto mam/sir try nyo po sale po yan maganda pa po" try department store ng SM. Mabbwisit ka. The mere fact na anjan yung item at walang nabili kahit sale e dahil pangit yung item! Panu naging bagay sakin yan? At d kita knakausap daldal ng daldal lalo akong di makapili ng ayos! Nakakairita talaga. Minsan may dineretso nako na saleslady at sabi ko tatawagin ko nalang sya pag kaylangan ko na sya. Pero wala epek. Hay naku..


Well, ilan lang to sa mga bagay na usual na nakakatuwa sa pinoy malling. May maibabahagi ka ba? Email mo samin and we would be very happy to read it, might even post it here if talagang natuwa kami.. syrempre credits to you diba? Hehe

Wednesday, January 25, 2012

Facebook Profile

Tulad ng milyon milyong tao sa buong mundo, tayong mga pinoy ay nahilig din sa Facebook: pero dahil marami sa atin ay nanggaling sa Friendster, karamihan sa mga pinoy ay hindi masaya sa kanilang mga facebook profile. Para sa mga hindi nakakaalam, ang profile page mo sa friendster ay hamak na mas customizable kaysa sa facebook. Mula sa background color/picture/music hangang sa Custom Style Sheets, pwede mong ibahin sa iyong Friendster Profile Page.

Pero last November, ipinakita ng Facebook ang bagong itsura ng ating mga Profile Page: ang Facebook Timeline. Malaking cover picture sa unahan, mas madaling intindihing wall, at higit sa lahat, ang pag fe-Feature at pag ha-Hide ng mga story sa ating Timeline at News Stream.

Medyo natagalan, pero unti unti nang naro-roll out ang timeline simula noong January. Kung hindi parin naka activate ang Timeline ng facebook account mo, malas mo :) Buti nalang nandito ko para tulungan ka~

1.) Mag login sa facebook.com
2.) i-Type sa search bar ang "Timeline".
3.) Piliin ang Introducing Timeline by Facebook.
4.) i-Click ang "Get it now" para mai-Activate ang Facebook Timeline.

Bago maging active ang iyong bagong Profile Page, dapat kang pumili ng isang cover photo. Ang iyong Cover Photo ay ang magiging focus ng iyong profile: ito ang pinakaunang makikita ng mga tao pag pumunta sila sa iyong personal profile.

At dahil diyan, ang mga sumusunod ay ilang mga suggestions upang maging unique at kakaiba ang inyong mga Facebook Profiles:


Goku vs. Vegeta. Original Concept by Reddit user TurkuSama (http://redd.it/ojg6k), Image by DeviantArt user *Javas (http://fav.me/drxfsy)


Symphony of the Night. Concept & Art by Magrippinho (http://redd.it/o8cqa)

Angry Birds. Concept & Art by Me (GaiusSensei)

 
Baby Leopard. Concept by Me (GaiusSensei) & Art by teh internetz (I can't find the source, sorry)

 
Pokemon. Concept & Art by Reddit user Zeronaissance (http://redd.it/oamcl)

 
Scott Pilgrim. Concept by Me (GaiusSensei) & Art by Stéphane Boutin (http://goo.gl/pWJl3)


Tekken (Devil Jin). Concept by Me (GaiusSensei) & Art by =alekSparx (http://fav.me/d4l23qq)

Ang bawat picture sa taas ay nakalink sa isang album kung saan makukuha nyo ang cover photo at profile photo na ipinapakita. Kung mapapansin nyo, sadyang walang watermarks ang mga picture sa taas, kung kaya'y wag nyu sanang kalimutan i-Link ang site namin pag ginamit nyu ang isa sa aming mga cover photos at profile images! (j.mp/1hourlater)

Ps. Para sa mga pinoy nerds: ang optimal resolution ng isang cover pic ay: 851x315, with a 1px black border overlayed, at ang para naman sa profile pic ay: 200x200 with a 12(!) px white border overlayed, scaled down(!) on upload to 125x125. Kung susundin ang dalawang resolutions na yan, maiiwasan ang sobrang pag strech, pag scale o pag pixellate ng mga pics :)

Tuesday, January 24, 2012

Intro~ Usapang Jeep



by: The Host of Barber's Cut, Juner.



Ano nga ba itong topic na ito? Simple lang pakinggan diba? Yun e kung mababaw ka.  Biro lang.  Basically wala naman kasi akong kotse, at halos buong buhay ko yata ay ngjijeep lng ako. 

Sa araw araw banamang pagcocommute wala ka bang ideya or experience man lang na paulit ulit na nakakainis ng isipin na itoy pinoy culture na?  

Nais mo mang baguhin, e kahit gobyerno hindi kaya? 

Gusto ko lang ikwento dito lahat ng wala lang tungkol sa trapikong pinoy.  Mostly jeep pero open naman kami sa ibang vehicle basta pinoy.  Siyaman?  Dispatcher? Iskerol? Para? 

Ilan lamang sa mga pwede kong ibahagi sa inyo tutal nagaaksaya ka rin lang ng panahon para basahin ang blog na to. Kasi nga pinoy ka. Ugali mo yan e diba? Believe me, makakarelate ka. Sa bawat araw na maisipan kong magshare ng jeep and street experiences,  ilalagay ko to sa usapang jeep. 

Mapangiti kana lang one day maexperience mo.  

Naexperience mo na ba magbayad ng minimum fare sa driver using 1000 php bill?  O ayan may tip ka na agad sa 123 ha.  Hindi mo alam ang 123??  Stay tuned pal. 

Madami tayong pguusapan dito. Kung anak mayaman ka na hindi maalam magjeep baka mapacommute ka sa pagbabasa ng aming blog dahil you've missed half of your pinoy life not riding and experiencing daily life in commuting via jeepney.  

Take note nga pala nakasakay nako one time sa isang jeep na magaling mag English yung driver.  

O,  simula palang to, isang pa lang to sa mga topic ng blog nato.  Sana tangkilikin natin hindi lang ang blog na to kundi narin ang blog ng pinoy.  

Ugali mo yan e! 

Editor's note: Basta lahat ng nasasakyan, mula sa mga jeep, hangang sa mga taxi, pati narin mga babae- si Juner ang magiging writer at resident guru ng 1 hour later :)

Monday, January 23, 2012

Barber's Cut, Episode 1 Part 1: Lolipop o Hipon?


Maligayang pagdating sa unang bahagi ng unang episode ng BARBER's CUT: kwentong barbero lang.

Question for the week: Kung papipiliin kayo, sabihin nang lahat ng ibang katangian ng pinagpipilan nyo ay magkapareho lang, sino ang liligawan nyo: Lolipop (Maganda, pero wlang katawan) o Hipon (Panget, pero may katawan)?

English: Assuming every other detail of the girl is the same, who would you rather court: a girl with beautiful face but undesirable body (a.k.a Lolipop) or a girl with an ugly face but a sexy body (a.k.a. shrimp or "hipon" in tagalog)

Discuss in the comments below or on our reddit page: 1hourlater.reddit.com :)

Wednesday, January 11, 2012